Bilog

Tuesday, June 24th, 2008 @ 9:36 am | Verses

Umiikot ang mga bagay
Kasabay ng mundo, nahihilo.
Umiikot pabilog sa loob ng bilog
Ang lahat nitong nasa loob at sulok –
Nagkakahugis, nagkakakulay,
Pumipintig, nagkakabuhay.
Sumasabay sa agos
Iikot-ikot hanggang sumuko
Sa lula at pagod.
Tapos liligid naman ang mga uod
Nakangising susugod
Dahil tiya’y tiyak bubundat,
Bibilog sa pagkabusog.

16 Mayo 2007
Al-Khobar, Saudi Arabia

 

One Response to “Bilog”

  1. cristina Says:

    this one is for ethan, siyang siya ang tula, ganyang ganyan siya. hehehe

Leave a Reply

Recently