Kish
Thursday, June 26th, 2008 @ 9:03 pm | Verses
kung hindi dahil sa kanya
hindi mo naman iisiping magpakalayo.
gaano ba kalayo ang malayo?
saan ang malayong hindi mo siya matatanaw,
na hindi mo maamoy ang kanyang pabango,
ang amoy ng kanyang balat, ng kanyang hininga.
mag-iilang gabi ka na rito.
pero gaya nang dati,naghihilahan
pa rin ang mga alaala at pangamba:
iniisip mo kung bakit sa huli’y hindi siya naniwala
na hindi naman kayo tatakas
kung hindi’y magkasamang lalaya.
21 Hunyo 2008
Al-Khobar, Kingdom of Saudi Arabia
kainis ka… why most of these poem, almost related to my life, katuwa at kaiyak… pareho ba tayong sawi sa pag ibig???