Kung minsan walang hanggan

Thursday, June 26th, 2008 @ 8:03 pm | Verses

kapag hinipan mo na ang kandila
at sumiping sa aking pagtulog,
pinapatay mo rin itong aking mga gunita:
hahanapin ng iyong labi itong labi
at mag-iiwan ng pangako ang iyong hininga;
hahagurin mo ng init ang puyo, ang bawat sulok ng balat,
babalatang maalab ang katawang nagluluksa.
kahit sa dilim ng silid, naaaninag ko ang iyong mata
sinasalunga ang aking tingin
hinihigop itong kaluluwa.
inaanod tayo ng gabi na parang walang hanggan.

27 Setyembre 2006
Al-Khobar, Kingdom of Saudi Arabia

 

One Response to “Kung minsan walang hanggan”

  1. cristina Says:

    erotic! but still very artistic

Leave a Reply

Recently