pag-alis

Tuesday, June 24th, 2008 @ 9:19 am | Verses

isasara natin itong pinto
lilisaning hubad na hubad ang silid
na kumanlong sa ating mga hikbi.
wala tayong iiwang  bakas ng saya
sa mga pasimano’t barandilya
hindi tayo mag-iiwan
ng patak ng galit  sa sahig
o mantsa man ng lungkot sa mga dingding.

isasara natin itong pinto
lilisanin ang hubad na hubad na silid
aalis tayong walang dalang damit
at lalabas na walang pagsisising bitbit.

06 Setyembre 2006
Al-Khobar, Kingdom of Saudi Arabia