Pagbabalik
Tuesday, June 24th, 2008 @ 9:25 am | Verses
“I began by counting the days, then the months.
I don’t count on anything anymore except the hope that you will return…”
Ada, Cold Mountain, 2003
bagaman at sumusuko ang pag-asa
sa pagbibilang sa nalalabing saglit at sandali
laging may kaluskos ang pangitain
ng iyong pagbabalik –
pumapalatak ang butiki sa kisame,
bumabagsak ang kubyertos
sa nilalamig na sahig;
ngunit wala namang kumakatok,
walang nagbubukas ng naiinip na pinto,
kahit ilang ulit na tayong nagtagpo
sa panaginip na pabalik-balik.
28 Mayo 2007
Al-Khobar, Kingdom of Saudi Arabia
Leave a Reply
Recently