Paghahanap

Thursday, June 26th, 2008 @ 9:08 pm | Verses

Ngayo’y hinahagod ng ligalig ang Lhamo La-Tso
Hindi sinlinaw ng dati,
Hindi na sinlamig.
Tila natatakot nang magsadya ang mga pangitain
At alumpihit kung isisiwalat ang sagot na kinikipkip.
Kahit may tumatangis,
Kahit nagsasanib ang lungkot
Sa tubig.

Minsan nang nagtipon ang mga ulap
Sa ibabaw ng Lhasa.
Akala’y natagpuan na siya
Ngunit parang walang isinilang na pag-asa.

04 Hunyo 2008
Al-Khobar, Kingdom of Saudi Arabia

 

3 Responses to “Paghahanap”

  1. macky Says:

    owan.. wow meron ka na nanamg bago.. =) pagpatuloy mo lang yan.. maabot mo rin pangarap mo.. ang lungkot naman… para ba ito sa mga taong lihim na umiibig kahit alam nila na may ibang mahal yung minamahal nila?…wala lang.. =p.. sige gawa ka pa ng maraming tula =)

  2. ian espiritu Says:

    rowan galing talaga ng mga tula mo……

  3. cristina Says:

    so depressing but good

Leave a Reply

Recently