Pagninilay
Thursday, June 26th, 2008 @ 8:29 pm | Verses
Hindi Ka nagpinid ng pinto kailanman
Alam Mong kakatok ako anomang oras
Lalo’t ganitong sinusubok Mo ang katatagan
Lalo’t ganitong sinusukat Mo ang kahinaan.
Hindi naman Kita nalilimot, malilimot kaya
Tulad nang walang sawa Mong pagdinig, pagkupkop;
Lagi’y sinasala Mo itong mga sala-
At lulubusin ako sa pagkakapuspos
Sa biyaya mong bumabalot, tumatagos
Sa kaluluwang Ikaw ang tumubos.
22 Mayo 2006
Al-Khobar, Kingdom of Saudi Arabia
gumagawa ka rin pala ng spiritual poem, akala ko puro scandalous lng. hehehe. joke!