Kaming naghihintay sa iyo
Tuesday, July 1st, 2008 @ 9:16 pm | Verses
lilinlangin namin ang sarili
papayapain ang guni-guni,
pakakalmahin ang pusong
kanina pa lumulundag sa kaba.
pilit naming iwawaksi sa isip
ang mga bumabalot na takot
na maaaring pumigil sa iyong mga paa
na marating ang tarangkahang
nananabik na ring masilayan
ang muli mong pagbabalik.
pupunuin namin ng pag-asa
ang bawat ingit ng inip at pangamba
dahil hindi maglalapat ang likod
sa higaang buong puso tayong pinagkakasya,
dahil wala ngang mahimbing na tulog
hanggang wala ka.
parang excited na uli akong mag-crit, tagal ko nang di kumakatay.
okay, start. =)
wag na lang kaya.
Rowan,
I linked this new blog of yours to mine.
-Jason
ganda, very sentimental…alala ko ung mga taong nainip na sa paghihintay sa akin.