D. It is written.

Saturday, February 14th, 2009 @ 8:49 am | Verses

Latika,

Ito ang kapalaran ngayong gabi:
at nasusulat ang kamatayan
tulad nang pagbuhos ng ulan -
ang tubig, ang lamig
ng pangungulila sa pag-ibig;
tatakas tayo upang papaghiwalayin lamang
ng higpit ng pananabik
ngunit muli’y ibabalik nitong tren
sa ating mga bisig.

Pagkat ito ang nasusulat:
Tayo ang kapalaran ngayong gabi
at hindi ang milyong salapi.

Jamal

14 Pebrero 2009
Al-Khobar, Kingdom of Saudi Arabia

(matapos manood ng Slumdog Millionaire)

 

One Response to “D. It is written.”

  1. astiege Says:

    naaluw ako sa sulat mo. ang galing!!!!

    idol ka talaga! isa kang malupit na manunulat!

Leave a Reply

Recently