bed scenes

Thursday, June 11th, 2009 @ 7:18 am | Verses

humahabi ng salimuot
ang magkasiping nating mga palad.

***

ang nakatitig na kisame
ay hindi mapanatag.

***

hindi magawang matiyak ng oras
kung kailan titigil
ang pintig ng pulso.

***

pigil ang hininga:

***

sinong mang-iiwan?

***

walang gustong
lumabas ng kwarto.

 

One Response to “bed scenes”

  1. Jocelyn Torres-Lopez Says:

    Nag-iisa,natatangi at ang walang kupas pagdating sa pagiging makata,…….nag-iisa, dahil iisa lang ang ROWAN VELONTA ,….natatangi,dahil ikaw lang ang nakakaisip na gamitin ang mga pamagat na yan……walang kupas dahil kahit nuon pa man ganyan ka na?same same old MR.ROWAN VELONTA….IBA KA!!!!

Leave a Reply

Recently